Saturday, April 27, 2013

Second Chance

Dapat nga bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa isang taong nakasakit sa'yo?

Kung ako ang tatanungin, hindi dapat. Kase wala rin namang magbabago, mauulit lang ang mga nangyari. May pinaghuhugutan ba? Well, ganito kasi yan.

Second year high school ako nung una ko siyang nakilala. Nakakatawa nga kapag naaalala ko. May crush kasi ako sa isa niyang barkada na itatago na lamang natin sa pangalan na "Mike". Ang gwapo gwapo niya kasi talaga. Matangkad, matalino, magaling magbasketball. 3 M's ba? Hmm. Pede. So pano ko nga ba siya nakilala?

Acquiantance party nung araw na un. Mga bandang July. Nagsasayawan na nun eh. Nakaupo lang ako nun with my earphones on. Hinihintay ko bumalik ung mga kaibigan ko na nakikipagsayaw sa iba. Ayoko talaga makipagsayaw. Nakakatamad kaya.


Maya-maya, nakita ko ung crush ko. Papalapit. I was like, "Oh my gosh. I must be dreaming." I felt my cheeks burn. Tumungo ako kahit wala namang makakakita ng itsura ko kasi madalim. Baka napapangiti na ako mag-isa eh. 

Pagtingin ko uli, ibang lalaki na ung nasa harap ko. Ung crush ko, kausap ung adviser namin.

"Pede ka bang maisayaw?"

Wait. Familiar tong lalaking to ah. Barkada ni Mike! Holy. Buong akala ko pa man din ako ang isasayaw ni Mike. Hindi pala. Nagpunta lang siya dun para samahan ung kaibigan niyang itatago na lamang natin sa pangalan na "Mark".

Pumayag ako. Nagsayaw kami. Tinanong niya ung pangalan ko. 

Ilang araw lang ang nakakalipas nagkatext na kami. Kinuha niya ung number ko dun sa barkada niya na kinuha ung number ko dun sa classmate ko. Okay, basta. Yun na un.

Obviously, may gusto siya sakin. Obviously din na hindi ko siya gusto kasi ang gusto ko nga ay si Mike. Ramdam naman niya eh, kaya eventually, lumayo siya, nagkaron na siya ng ibang gusto. Nung nalaman ko un, tsaka ko lang narealize na may gusto na rin pala ako sa kanya. Ang tanga lang di ba? 

Hindi natapos doon ang lahat.

Dumating ang summer bago kami mag-third year. May inihatid na magandang balita sa 'kin ung kaklase ko. Balak daw akong ligawan ni Mark. Yep. May gusto pa rin ako sa kanya non. Pero at that time, hindi pa ako ready sa ganun. Kasi ako ung tipo ng tao na seryoso sa studies. (Charot) So sinabi ko sa kanya un. Sige daw maghihintay siya. That time, close na close ako dun sa isa kong kaklase. As in palagi kaming magkasama. Umabot sa punto na akala nung iba, kami. Pero hindi. (View my previous blog for more info). Na-misinterpret niya ata un. So ang nangyare, bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Nalaman ko na lang, may girlfriend na siya. Ang dami na nga nagsasabi na masyado na daw akong nagpapakatanga sa kanya. Ang dami-dami naman daw ibang lalaki na mas gwapo sa kanya. Ang totoo kasi, medyo hindi siya pinalad sa itsura pero ako kasi ung tao na hindi masyado tumitingin sa itsura. Nagtataka nga rin ako kung bakit ang dami kong kaagaw sa kanya kahit ganon ang itsura niya. Well, may ganon talaga eh. Bentang-benta sa mga babae kahit pangit. Lol. Anyway, ang sakit lang talaga  nung nangyari. Grabe. Hanggang ngayon. Pero wala na kong feelings sa kanya. Ang sakit lang isipin. Mehehe.

Sa sobrang sakit, sabi ko sa sarili ko kakalimutan ko na siya. In other words, magmomove on na ako.

Hindi pa din natapos don ang lahat. Oo, may kasunod pa te.

Di naglaon, nagbreak sila nung girlfriend niya nun. Dumating ang fourth year.

Nung first day of school, pumunta sila nun nung mga barkada niya sa school. Nakita niya ako. Tinext niya ako. Bakit daw parang gumaganda daw ako. HAHAHA. Totoo to. Basta ayun, nagsimula sa mga ganun ganun. Tapos dumating ung araw na manliligaw na ULIT siya. Gulong-gulo na talaga ako at that time. Kasi baka mangyari na naman ung nangyari dati. Yung bigla siyang hindi magpaparamdam tapos bigla siyang magkaka-gf. So sabi ko, pag-iisipan ko muna. After non, nawala na naman siya. Yep. Naulit nga. At ang tanga-tanga ko kasi nag give in pa rin ako kahit alam ko na ang mangyayari.

Lumipas ang isang buwan, bigla siyang nagtext sorry daw sa lahat ng mga nagawa niya. Hindi ko alam, pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Nung araw na nag-sorry siya. Tinanong ko siya kung bakit ang tagal niyang hindi nagtext. Alam mo kung anong sabi niya? Naguguluhan daw siya. Bakit? Dahil ba hindi siya makapili kung sino ang unang liligawan niya? Dahil ba hindi siya makapili sa mga babaeng gusto niya? After non, nung araw din na yon, bigla na naman siyang hindi nagtext so naisip ko, sincere ba talaga tong tao na to?

So wala, I went on rage mode. Ayoko na talaga. Suko na talaga ako sa kanya.

Until one day, nagtext siya dun sa isa kong kaklase gamit ang ibang number.

So nagtaka ako. Bakit sakin hindi siya nagtetext pero sa kaklase ko nagtext siya at iba pa ang gamit na number?

Doon na talaga ako napuno. Nagalit talaga ako sa kanya nun. Pero bigla siyang nagtext. At ano pa nga ba? Lumambot na naman ang puso ko sa kanya. Tinanong ko uli siya kung bakit hindi siya nagtext sabi niya, nawala daw ung cellphone niya sa lrt. Sinendan daw niya ako ng message sa fb. Binigay niya ung number niya don. Hinintay niya daw ang text ko pero walang dumating. Hindi ako naniwala sa mga sinabi niya, alam ko kasi na gumagawa na naman siya ng dahilan. Nagalit talaga ako sa kanya nun at sa sarili ko. Hindi na ako nadala. Alam ko namang ganun na naman ang mangyayari pero hinayaan ko pang mangyari ulit. Nacurious ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nakita ung message na un. Pero nung chineck ko uli pagkasabi niya, nandon nga. Tuesday niya sinend pero Friday ko na nabasa. It's too late.

That next night he asked me, "Gusto mo pa bang ituloy to? Kasi kung ganito pa lang tayo ngayon pano pa sa susunod"

Yun ung pinakamasakit na mga salita na nabasa ko sa buong buhay ko. Ang masaklap pa non, nung nabasa ko un, nasa computer shop ako. Napa-out ako nun kasi hindi ko talaga kinaya. Ayun. Doon na nagtapos ang lahat.

Ang dami ng sinabi ko no? Pero ang point ko lang naman ay hindi naman masama magbigay ng second chance. Kasi sabi nga, "learn to forgive". Pero third chance? Pag-isipan mong mabuti te, hindi kaya nagpapakatanga ka na?



Oha. Pede na pang wattpad ang kwento ng lovelife ko no? :)