Wednesday, July 24, 2013

Farsighted

Hindi ko alam kung anong connection nung title dito sa gagawin kong blog. Gusto ko lang i-share ung sinabi samin nung prof namin isang beses sa klase.

Tingin ka ng tingin sa malayo, hindi mo tuloy makita ung mga taong malapit sa'yo.

Hindi ko alam kung bakit pero tinamaan ako dun. Kasi parang ganon lang ung nangyari before ung subject na yon. Nagpunta kasi kami nun ng fourth floor sa new building, magpapa-photocopy. Saktong-sakto, pagbukas ko nung elevator, may nakita ako. Sino pa nga ba? Kundi si crush. Literal talaga ung sinabi nung prof namin e. Nakatingin ako sa kanya sa malayo. Pero in deeper explanation, hindi ko siya mareach. Masaklap na katotohanan talaga un. Tanggap ko na. So ayun, sa kakatingin ko sa kanya, hindi ko nakikita ung mga taong malapit sa kin. Napaisip naman ako don, wala naman akong ibang kasama kundi ang aking mga frands. Hahaha. Ewan ko ba talaga kung bakit ang malas ko sa lovelife. Pero okay na rin. No distractions. Lol.

END

Friday, July 19, 2013

Hanggang Tingin na Lang

May mga bagay sa mundo na gusto nating makuha ngunit hindi natin magawa. Bakit? 

Dalawa lang yan eh. 

Dahil hindi para sa 'tin yon o dahil hindi tayo gumagawa ng paraan para makuha natin un. 

Halimbawa na lang, sa mall. Pag nakakita ka ng magandang damit, sasabihin mo sa sarili mo, mag-iipon ka. Pero nakalipas na ang dalawang buwan hindi ka pa nakakapag-ipon. Nagbago na ung mga display, wala ka pa ring pangbili. O kaya naman may pambili ka nga, pero wala na palang size na kasya sayo. Hahanap ka na lang ng iba kahit na ayaw mo.

Para lang 'yang pag-ibig eh. It's either hindi ka kumikilos para mapansin ka niya or hindi siya para sa'yo. Wala ka na lang ibang magagawa kundi ang tanawin siya mula sa malayo, mag-imagine ng kung anu-ano sa utak mo, mag-stalk sa fb at twitter niya at abangan siya sa paglabas niya ng room para lang makita mo siya.

Ang sarap magkaron ng crush no? Yung tipong bawat paggising mo sa umaga excited ka kasi papasok ka naman, makikita mo na naman ung crush mo. Tapos makakasalubong mo pa kasi magkatabi lang ung room na aalisan niya at pupuntahan mo. Kahit na sandali mo lang siya makita, masaya ka na. Hindi mo naman kasi siya pedeng tignan ng matagal kasi masyado halata. Tapos excited ka pa tuwing may meeting kayo sa org kasi makikita mo siya. Grabe pa ung gagawin mong poker face kapag kinakausap ka niya. Pero aminin mo man o hindi masakit din magkaron ng crush kasi sa kaka-subabay mo sa fb at twitter niya, di mo maiwasan na makakita ng mga post na hindi kaaya-aya. Mga post na tungkol sa ibang girlalu tapos ka-tweet pa niya  lagi. Wala eh, hanggang dun na lang talaga ung mga magagawa mo kasi nga, hindi ka niya mapansin, o kung napapansin ka man niya, nakikita ka lang niya bilang isang kaibigan, schoolmate, o ka-org. Hanggang pangarap mo na lang siya talaga. Pero ung mas masakit eh ung lalo mong narerealize na hanngang don na na lang dahil sa mga kaklase mo. Sasabihin sayo, bagay kayo. May crush din daw siya sayo. Tumingin daw siya sayo. Mga salitang paasa.Imbis na matuwa ka, lalo ka lang malulungkot dahil sa mapait na katotohanan na imposibleng mangyari un.


Kaya idadaan mo na lang sa blog lahat ng saloobin mo. Dun mo na lang ilalagay ung mga gusto mo sabihin sa kanya kahit na alam mo naman na hindi niya mababasa. Pero in my case, nabasa niya. Hopefully, etong isang to ay hindi niya mabasa sapagkat wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kanya.




Nakakainis, ang pangit nung pagkakagawa ko ng blog na to. Wala ako sa mood. Tama na ang da-da.