Bago ang lahat, ngayon ko lang na-realize na nakakaduling background ng blog ko. Hayaan na, tinatamad ako paltan.
Bihira lang mangyari sakin na maging ka-MU ko ung crush ko.
So medyo napag-isip isip ko kung bakit.
Bakit nga ba?
Bakit nga ba?
May ilan akong kasagutan sa tanong na yan batay sa aking pananaw which applies to different kinds of situation.
Una. Hindi ka kasi gumagawa ng paraan para mapansin ka niya.
Aminin mo man o hindi, totoo yan. Karamihan kasi sa mga kababaihan, kilalang-kilala ung mga crush nila. Lahat ng detail about sa kanya alam mo (salamat sa FB). Tipong buong pangalan, birthdate, height, weight, size ng paa, paboritong kulay, paboritong pagkain, miski ung nunal niya alam mo kung saan nakalagay. Sa tuwing makikita mo siya tila ba nanlalambot ang iyong mga tuhod sa sobrang kilig. Parang siya lang ung tao sa mundo mo. Pero ang tanong, kilala ka ba niya? Nag-eexist ka din ba sa mundo niya?
Eh bakit kasi ang nagagawa mo na lang ay tumingin? Bakit hindi mo magawa o subukan man lang mag-hi kahit na alam mong hindi ka niya papansinin? Palagi ka na lang nagtatago kapag nakikita mo siya. Tapos magtataka kung bakit hindi ka niya crush. Eh malamang, hindi ka niya kilala e.
Pangalawa. Feeling mo lang hindi ka niya crush pero crush ka talaga niya, natatakot lang siya o hindi niya rin alam.
Okay, wag masyado feeler. Bihira lang mangyari ung ganto. Parang 1 out of 100 katao lang ang nakaka-experience nito. Dalawang klaseng tao yan e. Ung unang klase ay ung tinatawag nating torpe. Hindi niya masabi sayo na crush ka niya kasi natatakot siya na baka wala kang gusto sa kanya, na baka mabigo lang siya. Kaya ang ginagawa na lang niya e umaarte na parang wala lang ang lahat, normal lang. Worst case, umaarte siya na masungit at walang paki sayo kasi ayaw niyang maramdaman niya ung nararamdaman mo (may pinaghuhugutan). Yung pangalawang klase, ay ung tinatawag nating tanga. Yung may gusto na siya sa'yo, halatang-halata na ng ibang tao pero hindi pa rin niya ma-realize?! Masyado kasi nagdodominate ung utak nung ganong tao. Matalino nga, pero pagdating sa pag-ibig, bagsak.
Pangatlo. Hindi ka type o masyado lang talaga mataas ung standards niya.
Hindi ka pangit. Walang kulang sa'yo. Sadyang bulag lang talaga ung crush mo kaya hindi ka din maging crush. Masyado kasi nasisilaw ung ibang lalaki sa kagandahan ng ibang babae. Hindi ba ga tumingin muna sa personality. Puro face value ang basihan. Nakakainis kaya yon. Pero wala naman kasi talaga tayong magagawa e. Iba-iba rin kasi talaga ung tipo ng isang tao. Meron ang gusto, outside looks, meron namang sa loob tumitingin. By loob, I meant personality, 'kay? Kaya naman, wag kang magbago para sa crush mo para mapansin ka niya. Magbago ka para sa sarili mo. O kaya naman, just be yourself. Malay mo may makita kang tao na magugustuhan ka hindi dahil maganda ka o pangit ka kundi dahil sa kakaibang personalidad mo. Kalimutan mo na ung walang kwenta mong crush na hindi ka ma-appreciate.
Pang-apat. May iba siyang gusto.
Eto na ata ang pinaka-common na dahilan sa lahat. Tipong siya lang ung nag-eexist sa mundo mo tapos siya may ibang tao na nag-eexist sa mundo niya. Wala talaga tayong magagawa kung may ibang gusto ung crush mo eh. Meron kasing solid talaga ung pagmamahal niya dun sa isa eh, ung mula pagkabata pa lang mahal na niya. Soulmates sila e. Yung feeling mo meant to be ka sa kanya, pero feeling nung crush mo, meant to be siya dun sa gusto niya. Ganon. You get the point.
At ang pang-lima. Hindi kayo meant to be.
Aray di ba? Pero totoo. Wag mo na ipagpilitan ang sarili mo sa crush mo kung hindi ka talaga niya mapansin kahit anong gawin mong pagpapapansin, kung hindi ka talaga niya type o may iba siyang gusto. Ikaw lang din ang mahihirapan. Alam mo yon. At isa pa, hindi yon hinahanap. Matuto ka na lang kasing maghintay, dadating din naman un e.
Bago ko tapusin ang blog na ito, may isang advice lang ako sa iyo, aking mambabasa. Kung may crush ka sa isang tao, sabihin mo sa kanya before it's too late. You will never know naman kasi. Wag ka ng gumaya sa kin na habang buhay ko na lang tinatanong sa sarili ko na, "Ano kayang mangyayari kung sinabi ko sa kanya?" Pero kung artista ung crush mo o kung hindi ka naman talaga kilala nung crush mo, as in you're a total stranger for him or her, wag mo ng subukan. Mapagkamalan ka pang stalker.
No comments:
Post a Comment