Wednesday, August 21, 2013

Strangers

At dahil Thursday na ngayon, konting TBT muna. 

Well nakita ko kasi sa FB na birthday ni EX-FRIEND kahapon (August 21). Marami ang hindi nakakaalam ng kwento na ito. Ang mga sumusunod na iyong mababasa hindi kasinungalingan. Totoo ang aking mga sasabihin. I never lie. Well, sa blog. :D

Grade two kami nun. Nasa kalagitnaan na ng school year nang biglang may isang balita na dumating. Magkakaroon daw kami ng bagong kaklase. Napaka-unsual. Sino ba naman ang papasok ng kalagitnaan ng school year? Paano sila makakahabol sa mga lesson di ba?

Dumating ang araw na pumasok na sila. Dalawa sila. Magpinsan. Pilipino sila pero galing silang Japan. Yung isa ay babae, ung isa naman ay lalaki. Nung time na yon, si girl lang ung fluent sa Filipino. Si boy, hindi. Hindi ko actually matandaan kung bakit ganon pero siguro mas matagal si boy don sa Japan. At ung boy na un ung tinutukoy kong ex-friend. Though naging close rin naman ako don sa girl. Galing silang Japan. It figures kung bakit nag-transfer sila sa kalagitnaan ng S.Y. Pede kasi sa Japan un eh. 

Nung time na iyon, may best friend ako na itatago na lamang natin sa pangalan na Aura.

Sa hindi malamang dahilan, kaming dalawa ni Aura ay naging close dun sa dalawang bagong students. Ilang araw lang, nagka-crush si Aura kay Boy. Hindi naman maiiwasan kasi may taglay talagang charm ang batang lalaking iyon. Nakakaintindi siya ng tagalog pero hindi siya masyado makapagsalita ng tagalog. Despite that, nagkaintindihan pa rin kami through his cousin. Tinatranslate niya. Lol haha. Kapansin-pansin ang closeness namin non. Kaya medyo nag-aalala ako nun kay Aura kasi nga crush niya. Since bata pa kami non, wala namang hidwaan na nangyari between us. 

Isang moment lang talaga ang naalala ko na kasama si ex-friend. Nung Christmas party ata un o feast day pero parang Christmas Party nga. Magkatabi kami ng upuan. May dala siyang bottle water na galing Japan. So malamang sa malamang eh ang nakasulat don ay Jap characters. Ang ginawa niya, pinabasa niya sakin yon. Sabi ko, hindi ko naman alam yon. Itatranslate niya raw para sakin. Alam mo kung anong sinabi niya non?

"Pa-nget si Lyka." 

Sabay smirk. Lol. Smirk talaga. 

Take note, medyo nakakatawa pa ung pronunciation niya non kasi nga hindi siya fluent sa tagalog nung time na yon. Hahahaha. Hanggang ngayon, sa tuwing maalala ko yon, natatawa pa rin ako. Siguro sa sobrang nakakatawa un lang ung nahuhugot nung memorya ko. Nasa unconscious state ung ibang memory. (Naks Psychology yan haha).

So ayun, nung nag grade three kami, sa pagkakatanda ko, bumalik si ex-friend sa Japan. Tapos si girl nag-repeat ng grade two kasi nga halos patapos na ng school year sila pumasok non.

Hindi ko na maalala kung kelan uli bumalik si ex-friend sa school namin non. Ang nagreregister na lang sa utak ko ay nung HS kami tsaka ko na lang uli siya nakita. Ahead ako ng one year kasi nga nagrepeat sila. Nakasama ko pa nga siya sa football varsity non. Pero hindi kami nagpapansinan. We're like complete strangers. Hindi mo aakalain na close kami dati. Di ba, kung iisipin mo, parang sayang ung nangyari dati. Parang napunta lahat sa wala. Nabaon na lang talaga sa kailaliman ng utak ko at niya ung mga memories nung bata kami.

Ngayon, first year college siya, samantalang ako, third year na. Bumalik kasi siya sa Japan last year. Tapos ayun, this year, bumalik uli siya ng Phils. Medyo magulo. At eto pa, pareho sila ng course nung kapatid nung kaklase ko. Small world. :))

Kahit na ilang taon na ang nakalipas, meron pa rin talagang nananatili na konting memories na nakakatuwa. Pero napapaisip ako, nasasagi din kaya ako at kaming mga naging kaklase niya noong mga panahon na yon sa isip niya? O nakalimutan na niya lahat?

No comments:

Post a Comment