Tuesday, August 6, 2013

Weird Things in Life

Dahil tinatamad pa akong gumawa ng school works, magba-blog muna ako! Hooray. Ewan ko talaga kung paano nakakasurvive ung scholarship ko sa katamaran ko. Huhu.

ANYWAYS.

Kanina, rather, kahapon, paakyat na kami ng fourth floor for our next class. Bago kami sumampa ng hagdan, tinawag kami ni prof. May sinabi siya na talaga namang nawindang ako. I-compile daw namin ung quizzes namin sa iba't-ibang subjects namin. Ang problema, hindi ko na alam kung saan ko sila nailagay :'( Kelangan na daw un sa Monday. After non, nag-usap usap kami tungkol don kasi talaga namang nakakabigla.

Umakyat kami ng hagdanan mula sa ground floor, maya-maya, narealize namin, nasa third floor na agad kami! Lahat kami nagtataka kung bakit ang bilis nung pag-akyat namin. Para bang nag-skip kami sa second floor, ganon. Ewan. Ang gulo talaga. Mga five minutes kaming nawindang sa kakaibang pangyayari na iyon. Jumper lang ang peg. Hahaha. It's unexplainable. Mababaliw lang kami kapag inisip namin. Haha

After non, may magandang nangyari, hindi ko na ikukwento. :)

Ayun lungs. Sabi nila i-blog ko e.


No comments:

Post a Comment