So yeah, it's a day to remember. Bakit?
Una, late ako nagising. Pupunta kasi ako sa Tagaytay. Dun sa hotel. Kasi daw, kelangan ko daw mapapirmahan ung COC ko dun kay Ms. Jackson. Balak kong gumising ng 7, para makaalis ng 8. Eh 8 ako nagising. So 9:30 na ako nakaalis sa amin.
Sakay ako sa trike. Tagal mapuno.
Sakay ako sa jeep. Monday. Rush hour pa rin. Traffic.
Baba ako sa terminal. Bayad. Hindi kinuha ung bayad ko, saglit lang daw. Naghintay ako. Wala namang pumapansin sakin so lumapit uli ako.
"Meron bang pa-Tagaytay?"
"Wala, wala."
I was like, WTF? Bakit niyo pa ko pinaghintay dun?!
Alis ako. Punta SM. Tawag si Mommy. Nagpapahatid ako pero sabi mag-commute na lang daw ako. Dun sa Balibago.
Sakay uli ng jeep. Punta ng Turbs.
Baba sa jeep.
Tawid.
May narinig ako sa likod ko, "Tatawid ka na nga lang tatanga-tanga pa! Tanga!"
Kung wala lang ako sa gitna ng kalsada nun, ngingiti ako, haharap sa kanya at sasabihing, "Kung ako tanga, ano ka pa? Ang bagal bagal mo kasi magdrive. Tang*na niyo po." Sabay bad finger. HAHAHA
Kabwisit ung ganon eh. SARAP PATAYIN.
Pero kahit na ganon, nanatili pa rin ang composure. Hahaha.
Byahe.
Baba sa complex. Tanong kay guard. Alam nniyo ung pakiramdam ko nung mga oras na to? Para akong batang nawawala. Swear.
Makalipas ang ilang minuto pa ng paglalakad at pagtatanong, nakarating na rin ako sa aking destinasyon -- ang sakayang papuntang Tagaytay! And what a surprise! Puno ang jeep. Dito talaga na-challenge ung mga binti ko eh. Dito ko na-experience ung mga nababasa ko sa mga comics. Yung tipong ung inuupuan mo wala pa sa kalahati ng puwitan mo. Oo, talaga. Grabe ung binti ko nun. Ayoko na maalala.
Ang haba ng byahe. Sobra. At dahil masakit pa rin ung binti ko, pagbaba ko ng palengke ng tagaytay, nagtrike na ako kasi tinatamad na akong maglakad. HAHA.
Ayun. Byahe uli. Pagkakababa sakay na naman ng jeep. This time, sumakay na ko sa maluwag. Ayoko ng maulit pang muli ang aking naranasan.
Nung papara na ako, nakita ko si Sir Bunso at si Sir OIC sa tapat nung tindahan. Nakaupo sa ilalim ng payong na parang mga bata.
"Para po."
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako narinig nung driver.
Nakatatlo na ata ako nun. Tsaka pa lang tumigil. Sa petron tuloy ako bumaba.
Lakad. Nakita ko si Sir Dingdong.
Yung reaction niya, parang namamalik-mata siya.
Ngunit siya'y nagkakamali. Totoong nandoon ako. Hahaha.
Gulat silang lahat. Sunod-sunod ung mga sinasabi nila.
"Bakit ka nandito?"
"Ikaw ba ung nagbigay ng spaghetti?"
"Salamat sa spag ha!"
"BAKIT MO INUPLOAD UNG PICS?" (Read: Galit na natatawa)
Basta ayun, ang saya saya lang nung salubong nila sakin, hindi ko alam kung sino ung una kong kakausapin. Hahaha.
Saglit lang ako sa labas, kasi baka naman isipin nila epalogs lang ako dun. Pumasok na din ako kasabay ni Sir OIC. Diretso ako sa Back Office.
"Good afternoon po Ma'am."
"Naku, wala si Ma'am Jackson....."
Alam ko na ang kasunod. Wala si Ma'am Jackson. Hindi ako makakapagpapirma ngayon! OMOOOOO. Ngiti ngiti ako kunwari.
"Balik ka na lang sa weekend."
"Sige po Ma'am, next time magtetext na ako."
Alam mo ung feeling na matapos ng lahat ng paghihirap mo makarating lang sa lugar na un wala ka rin lang naman palang mapapala?! HAHAHA. Itinawa ko na lang talaga kanina.
Pumasok ako sa housekeeping office.
"Malas lang ba talaga ako o ano?"
"Bakit?"
"Wala si Ms. Jackson. Ugh."
Tawa sila. Ajuju.
Enter: Sir Enchong and Sir Marlon
Ang dami nilang sinabi eh, basta gusto nilang magpicture.
Kinuha ko si camera.
Pagpasok ko, ganto sila:
:O
Bakit? Anong meron sa cam ko?
"Nahiya naman ako sa camera mo. Ikaw na." Sir Enchong
Hindi na lang ako nagreact. Hindi naman kasi to DSLR. Isa lamang itong ordinaryong digi cam. Mukha lang DSLR. HAHA
"Nako, mayaman talaga yang si Lyka. Mayaman na, matalino pa." Hirit ni Richard G.
"Wow, hiyang-hiya naman ako sa'yo ha!"
Lakas din nun eh. Mayaman daw ako? Tanggap ko pa kung sinabing matalino ako. Loljk. Hahahaha. Mayaman ba ung libre ung tuition fee kase scholar? Adik. Hahahaha.
React naman si Sir Ench at Sir Dingdong. Ayos daw pala ako eh. Inasar pa nila ako na ayos daw pala akong maging gf. Hahahaha basta ang daming sinabi. Utas na utas ako kanina.
So ayun, picture kami. Soon umakyat na din sila sa third floor.
Tambay ako sa office.
Labas na.
Kain ng favorite na merienda ng mga OJT na burger, fries at scramble.
Ayun. Uwi-uwi din. Tapos na ang araw.
Here are some pictures. Oh oh oh.
With Sir Dingdong and Sir Enchong |
END :)
No comments:
Post a Comment