I don't think you noticed, but you see, I'm fond of using codenames. Not only is it fun but there actually is a reason behind it.
The story goes like this.
Well, isang araw, nagblog ako. The end. Joke.
Isang araw, nagblog ako. Nagblog ako about sa crush ko. Nung una kasi, hindi ko malaman-laman ung pangalan niya. Ang dami ko ng pinagtanungan talaga nun. As in. Nagkakandaloka na nga ako nun, kasi matatapos na ung sem, hindi ko pa alam ang pangalan niya. Hanggang sa dumating ang isang araw, nagkita si Tropang Kitty at si Ex-Classmate niya. At nakita ko, kaklase ni Ex-classmate ung crush ko! So dali-dali naman ako sa pagtatanong kung anong pangalan niya. Well, hindi ako yung nagtanong. Si Tropang Kitty. Ayun. Nalaman ko. Ang saya-saya ko nun kasi last day of school nun. Kakatapos lang ng last exam namin for the sem. Pagkauwi ko, hinanap ko agad siya sa FB.
Bingo.
Add naman ako. At since hindi pa niya ina-accept, ung kinuha kong pic para gamitin sa blog ko ay ung current profile picture niya.
Dun sa blog na yun, sinabi ko ung buong pangalan niya. Binanggit ko pa dun na nasabi nung kaklase niya na gay siya, ek ek. Inisip ko kasi, blog naman to. At sa lawak ng internet, hindi naman niya makikita ang blog na yun.
Eh napakamapaglaro nga naman ng tadhana.
Nito lamang First Sem S.Y. 2012-2013, naisipan kong buksan muli ang blog ko, matapos ang ilang buwang hindi pag pansin dito.
Nagulantang ako sa isang comment na nakita ko.
Comment ni Crush dun sa blog ko na about sa kanya.
Ang nasabi ko na lang sa sarili ko nun, "Holy mother of beef! Ang tanga mo Lykaaaaa!"
Pano niya nakita?
Sinearch niya daw ung pangalan niya sa Google. And poof. Lumabas ang blog ko.
Eh ang pagkatanga-tanga mo nga naman talaga Lyka. Hahahaha.
Sa sobrang shock ko, hindi ata ako nakatulog nun. Okay, OA. Nahirapan lang ako matulog pero nakatulog din. Anyway, ayun nga. Nagcomment siya. Napahiya ako sa comment niya ha.
Nakita ko, November pa ung comment na un.
NOVEMBER PA?!
May biglang pumasok sa isip ko, nung December kasi, (Yes, I remember it well) pumunta ako sa gym nun para puntahan ung prof ko sa Bar Operations na nagppractice ung flair. Ang gulat ko nun, kasi nandun siya! At tinitignan niya ko. As in! Parang kilala niya ko na ewan. Now I know the reason, nabasa niya pala ung blog ko!
Pinanood ko pa man din siya nung nag-final exam sila sa Bar. Nung nag-flair siya. Huhu
Tapos nung matatapos na ung sem na un. ung prof ko na pinuntahan ko sa gym, eeeeh, ipinakilala ako sa kanya. Not knowing, kilala na pala niya ako bilang ung babaeng nagkakacrush sa kanya na sinabi na bading siya at nagnakaw pa ng picture niya. Hahahaha.
Ang awkward tuloy kapag nakakasalubong ko siya sa school. Kainiiiis. Pero hindi ko pa rin binubura ung blog na un hanggang ngayon. Wala, remembrance lang. Ahihihi. Luka lang, pasensya na.
At iyon ang istorya. Ang dahilan kung bakit gumagamit ako ng codenames sa halip na tunay na pangalan sa aking mga blog.
Ingat ingat din :)
No comments:
Post a Comment