Tuesday, January 1, 2013

One Night Only.

Dati, sinabi ko na sa sarili ko, hindi na ako magpapakalasing. EVER.

But no. Nangyari ulit nito lamang December 20, 2012 sa boarding house ng isa sa mga kasama kong OJT dun sa hotel na tatawagin na lamang nating Richard G.

Ang unang plano kasi, mag-iinom dun sa may Picnic Grove sa bahay nung isang opisyales sa aming department na walang iba kung hindi Housekeeping. So, nagdala ako ng Kinulob na Itik.

Nung dumating ung araw na un, bigla akong tinamad. Hindi ko alam pero bigla akong tinamad, pero matagal na rin naman talaga akong tamad. Hindi na ako nagulat don. Haha. Nung araw din na yun, na-assign ako sa second floor kasi kulang sila dun, ang nandun lang eh si Sir Oyo at ung isang OJT na itatago ko na lamang sa pangalan na Calaber. Sabi ko sa kanila, "Hala, sayang naman ung dinala kong itik, baka mapanis." Ito namang si Sir Oyo, naisipang mag-inom. So payag naman kami nito ni Calaber. Dumating si isang RA, na si Sir Dimples (May dimples nga ba un? Ah basta.) Narinig ung pinag-uusapan namin. Narinig si itik oh. Gusto daw niyang matikman so sasama daw siya samin. Ang problema namin, wala pa kaming place at walang magrerelay ng message sa mga taga-itaas (Third floor). So, siya ung nagsilbing messenger namin. Naisip namin, kina Richard G. na lang. Bawal kasi samin kasi, bawal ang bisita na lalaki. Maarti si landlord eh. Hahaha. So ayun, ok na. Pumayag na si Richard G. Dumating na rin ang mga tiga-itaas na RA na si Sir Dingdong at si Sir Enchong (Enchong talaga tawag sa kanya dun, hindi ko na binago kasi hindi naman nasabi ung totoo niyang pangalan haha) So game na game na talaga. Kelangan na lang hintayin mag alas-singko.

Ano daw ang iinumin?

Tahimik lang ako. Bahala na sila.

T-ice? No. Bigat sa tiyan.

Empi? Pede.

Gin? Oo sila.

Pero ako, NOOOO.

Una ko pa lang natikman ang gin nung first year ako sa bar subject, alam ko ng iba ang tama sakin nung letseng un. Pero wala naman akong nagawa. Un ang gusto nila.

Nag-five na. Out out din.

Punta na sa boarding house ni Richard G. Nag-mix na si Sir Enchi. Melon Juice. Kopiko. Gin.

Inom inom din.

(Ngayon ko lang narealize, ano nga ba talaga ang purpose ng blog na to? Ano bang patutunguhan nito? Wala namang kwenta ung mga sasabihin ko dito. Anyway, kwento ko na din. Nasimulan ko na eh.)

Kwentuhan here. Kwentuhan there.

Basta ang the best talaga nung gabi na un, ay nung sinabi ni Sir Enchi sakin na, "Pa-insert ng sim, magpapatugtog lang ako."

UTAS. Yep, that was me. Utas talaga. Hahahahaha. Hay, kapag naalala ko un, natatawa pa rin ako. Haha.

Tas aun, kwentuhang pag-ibig. Kwentuhang trabaho. Madami.

May isang beses, ako, si tanga. Sinabi kay Sir Oyo na, "Sir! Nakakamiss kayo! Promise!"

Tapos eto namang si Sir tanga, pinagkalat sa HK Dept. Kakaadwa. Lagi tuloy akong inaasar. Amfs.

(Sa totoo lang, tinatamad na ko magkwento so I'll end it here. Ang nangyari lang naman kasi sakin eh, nalasing, nagkaron ng matinding hangover kinabukasan, kaya bangenge ako kinabukasan habang nasa duty. Para akong lumulutang. Lels. Nangyari na to dati nung OJT ko nung summer. Hindi na ko nadala. Hahaha.)

At dahil eto na rin naman ang topic, imemention ko na ung isang pangyayari na hindi ko talaga malilimutan.

Ten days after, birthday ni Sir Oyo. Punta kami sa kanila. (Mahal nga ng pamasahe eh. 25. Ajuju.)

Kain. Picture. Fail nung cam ko nun. Nalobat. Inom T-ice. Inom nung iniinom nung mga RA. (Coke. Alpine. Rum ata.) Ang bigat bigat ng tiyan ko nun. Naka-ilang balik ako sa CR para magbawas pero ayaw talaga. Hahahaha. Hindi ko tuloy naubos ung T-ice na bottoms up dapat sa sakit ng tiyan ko, pero kaya ko talagang ubusin un. Kaso lang. Hay. Wrong timing talaga lagi si tiyan.

Anyway, balik dun sa moment.

Pauwi na kami nun. Ang layo nung bahay nila Sir dun sa hi-way. Suggestion nila, maglakad na lang since onti lang din naman ung trike na dumadaan.

Lakad kami. Hapong-hapo naman ako.

Nangunguna sa paglalakad sila Sir Newscaster, Sir OIC, Sir Bunso at Sir Oyo. Nasa hi-way na kami nun, tumatawid. Nakatingin lang ako ng diretso kasi wala namang sasaksakyan na dumadaan. Si Sir Bunso, diretso lang din sa paglalakad, katapat ko siya eh. Tinawag siya bigla ni Sir Oyo.

Lingon. Diretso sa paglalakad.

BOOGSH.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Utas talaga ako sa nakita ko.

Nauntog dun sa bakod si Sir Bunso. Swerte niya hindi siya nalaglag dun, kundi, gulong siya talaga dun. Five minutes ata kaming tatlo ni Sir Oyo at ni Sir Bunso tumawa nun dahil sa nangyari. Kaming tatlo lang kasi ung nakakita ng buong pangyayari. Hahahaha. Hay naalala ko naman tuloy. Tumatawa ako dito habang nagtatype. Parang tanga talaga. Nahulasan ako sa katatawa talaga.

Ayun. Tapos na ang kwento.

Last day ko na bukas sa hotel. Imbis na magsaya ako, parang mas nangingibabaw ung lungkot kasi ang saya saya talaga kasama nung mga luko-lukong RA na un. At aaminin ko, I like one of them. Hindi ko na sasabihin kung sino. Baka may makabasa sa kanila nito at maging isyu pa. Hahahays.

Sana pirmahan ni Ms. Jackson ung clearance ko. :(



End.

No comments:

Post a Comment