At ayun, sa wakas, natapos din ako sa OJT ko. Wala pa nga lang certificate. Huhu. Pero akalain mo yon? Sa likod ng lahat ng mga nangyari, matatapos din pala ako. Haaaay.
Siguro ang usual na feeling ng mga OJT na kagaya ako na nakumpleto na ung hours nila ay masaya. Pero sakin, iba eh. Kabaligtaran ung nararamdaman ko. Masyado kasi akong na-attach sa mga tao dun sa TLHT eh. Lalo na ung mga RA. Meron ding iba dun sa mga kapwa OJT ko.
Minsan nga napapaisip ako, bakit kelangan pa maka-meet ng isang tao, magiging close pa kayo kahit na alam mo naman sa sarili mo na aalis ka rin? Na iiwan mo din sila? Minsan hinihiling ko na sana hindi ko na lang sila nakilala, sana hindi na lang kami naging close ng ganun para hindi ako nahihirapan na mag let go. (Ang drama, parang boyfriend lang ah? Pero friends lang ang tinutukoy ko. Hahaha may pinaghuhugutan eh hahaha) Pero behind all that, ipinagpapasalamat ko pa rin na nakilala ko sila. Sa kanila ko kasi naramdaman na importante ako, na kailangan nila ako, na behind all my imperfections, wala lang sakanila un. Tanggap nila ako. At higit sa lahat, ang saya nilang kasama. Wala atang araw na hindi ako napatawa ng dahil sa mga kalokohan nila. Mabait din sila. Kahit na minsan sinumsumpong sila ng kanilang pagka-bipolar ung tipong kanina lang nakikipagtawanan lang sila sayo, the next minute susupladuhan ka na, masasabi ko pa rin na mabait sila. And they are the kind of people na hindi ka ibabagsak. Tutulungan ka pa nilang bumangon. Naramdamann ko un nung time na napagalitan ako at nung isa pang OJT ng resident manager ng hotel na si Ms. Jackson.Wala na atang makapapalit sa kanila. Sa ngayon. Charot.
Kanina, nung huling punta ko sa hotel, nagdala ako ng dalawang bilao ng spaghetti na favorite nilang mga RA. Hihintayin ko dapat silang bumaba kaso naisip ko, parang hindi ko ata kakayanin na harapin sila. So nag-decide na ko na umalis na. Bago pa ko makalabas sa hotel, nakita ko ung RA na may hawak sakin sa third floor.
"Siiiiir!"
Nagulat siya.
Sasabihin ko dapat, "Sir! Bakit hindi kayo pumasok kahapon? Hindi tuloy kayo nakasama sa mga picture. Hindi ko tuloy kayo maisasama sa report. Nagdala po ako ng spaghetti. Iniwan ko po sa office. Alis na po ako sir."
Pero naunahan ako ng lungkot. At bibigay na talaga ung boses ko kasi naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Bye sir!"
Yun na lang talaga ang nasabi ko.
"Grabe, hindi ka man lang nagpakain. Uwi ka na?"
Magrereact pa dapat ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako at tumalikod, kasi tutulo na talaga ung luha ko nun. Grabe. Ewan. Ang babaw ba ng luha ko. Hahaha. Ang hirap lang talaga kasi iwan nung mga taong naging ka-close mo sa isang malayong lugar tapos hindi mo alam kung saan at paano pa uli kayo magkikita. Parang napaka-imposible ba.
Can you just give me one more night para makasama silang muli? Inspired ang blog na ito sa kantang "One More Night" ng Maroon 5. Yung ung kantang ipinasa sakin nung ibang OJT kasi nagtataka sila sakin kung bakit hindi ko alam ang kanta na un. Well, hindi naman sa hindi ko talaga siya alam. Naririnig ko naman siya pero hindi masyadong tumatatak sa isip ko. Ayun tuloy, nahiya naman ako sa kanila. Tinry ko sauluhin bago ako matapos sana ng OJT. Pero hindi ko pa rin saulo. Ajuju.
Pero kanina lang din na-realize ko, bakit ba ko ganto ka-OA? Sinusupladuhan na kasi ako nung isang RA na dati-rati eh nagrereply naman sa mga chat at text ko. Pero ngayon hindi na. So ganun na lang un? Porke hindi na ko OJT sa hotel hindi na ko papansinin? Wow ha. Nahiya naman talaga ako sa kanila. Para sakanila wala lang ang pag-alis ko, pero ako ganito. So dapat pantay lang. Dapat wala lang din sakin ang pagkawala nila di ba? Masyado akong nag-oover think. Hahaha. Makakalimutan ko din sila soon. Ugh. Sana nga.
Oh well. Enough drama. Babalik pa naman ako sa hotel sa monday para sa aking certificate. Sana eeeh makuha ko na. Sana pirmahan talaga ni Ms. Jackson :(
Bago matapos ang blog na ito, here are some pictures with them.

With lukang Glai |
With Jean and Diana |
With my supposed to be favorite RA, Sir Oyo, Imerry, Kate and Sir Glenn |
With mabigat na si Sir Marvin |
With our OIC, Sir Joel |
No comments:
Post a Comment