Aking napagtanto, hindi ko na pala muling makikita:
Yung taong kapag nagsasalita, bubulol-bulol. Makaka-ilang ulit ka pa ng pagtatanong kung ano ung sinabi niya bago mo maintindihan.
Yung taong bigla-bigla na lang kakanta ng kanta na nasa tono nga, mali naman ung lyrics. Tapos kung magjoke hindi man lang nagbabago ung expression. Hindi mo tuloy alam minsan kung galit ba o hindi.
Yung taong wala ng ibang ginawa kundi ipagmalaki na kahit kinulang siya sa height, pinagkalooban pa rin naman daw siya ng so-called niyang kagwapuhan. At wala na atang araw na hindi ka niya babarahin. At yung hindi na namamansin ngayon.
Yung taong magjojoke out of the blue. Magugulat ka na lang na nagjoke pala siya, akala mo seryoso pa rin ung sinabi.
Yung taong tinitignan ka ng masama palagi, parang may masamang balak sa'yo.
Yung taong wagas kung wagas talaga makatawa. Parang nauubusan na ng hininga na ewan. Parang wala na bang bukas.
Yung taong kahit ang layo na niya sa kausap niya, nagsasalita pa rin. Kaya minsan may inutos na pala siya hindi mo pa alam. Hindi mo alam kung bipolar ba katulad nung naunang nabanggit kasi minsan papansinin ka, minsan hindi.
Yung taong akala mo ang sungit sungit, pero sobrang kabaligtaran pala niya ung totoo niyang ugali at mahilig magbigay ng tip. (Kahit wala pa akong nakuha sa kanya.)
Yung taong palaging nakangiti, pakiramdam mo tuloy kapag nakikita ka niya, may nakakatawa lagi.
Yung taong OA kung makatawa sa mga joke, tsaka parang nakakalanghap lagi ng air freshener na ginagamit ng housekeeping.
Yung taong akala mo tahimik pero nasa loob pala ang kulo. Akala mo 17 pa lang pero nasa 20 na pala siya.
Yung taong mukhang tanga palagi, makita mo pa lang siya, hindi pa nagsasalita sira agad ang araw mo.
Yung taong nakasama mo through the rough times. Lalo na nung napagalitan kayo nung resident manager.
Yung taong palaging bangenge. Tsaka ung tinakot ang halos buong housekeeping department lalo na ung mga RA ng dahil sa mga kwento niya na may nakikita daw siyang ganito ganyan.
Yung taong ayaw na ayaw mo sa kanya dati kasi nung dumating siya, puro problema na lang ata ung dinala niya sa'yo pero in the end magiging close din pala kayo.
Yung taong akala mo nung una, serious type pero kapag nakasama mo na, ah, hahalakhak ka talaga at the same time maiinis. Hahaha.
Yung taong palaging absent, palaging late at palaging nayayaya uminom.
Yung ibang tao. (AHAHA, hindi naman kasi ako close sa iba kaya wala akong maisip na idescribe sa kanila, at least minention ko. Hahaha)
Sila.
Sila ung mga taong nagbigay ligaya sa pang-araw araw kong buhay nitong nakaraang dalawang buwan.
Ngunit tila ba napakamapaglaro ng tadhana. Sa isang napakaikling panahon sila'y aking nakasama at sa isang iglap, sila'y aking iniwan. Nakakabitin. Ang bilis na talaga ng panahon ngayon. Parang kelan lang. Hindi ba sila pwedeng manatili na lamang na parte ng aking buhay? Bakit may mga taong dadating sa buhay mo pero aalis din? Bakit hindi na lang lahat ng tao na makikilala mo ay makakasama mo palagi? Bakit ganito ung mga sinasabi ko parang wala na sa tamang grammar? HAHAHAHA. Hay. Kasi naman, kasi. Nakakamiss talaga ung mga tao sa TLHT. Tapos wala pa kong magawa kaya eto tuloy ang resulta. Nag-eemote ako. OA na kung OA pero wala eh. Wala akong paki kung anong sabihin nila. Sila naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Naglalabas lang naman ako ng mga aking mga thoughts. Wala lang ang mga ito. Makakalimutan ko rin naman sila. Nako, ewan. Wala na namang sense ung mga sinasabi ko. Let's end this sh*tty blog.
End.
No comments:
Post a Comment