Hayaan niyo muna ako mag-emote this time.
Once, I had a guy friend.
I can't exactly remember when we started to be so close. All I know is that we were classmates back then, we both like reading books and manga. Lalo na ung "Naruto". Lagi talaga naming pinagkukwentuhan un. Lagi din ako nanghihiram ng libro sa kanya. Madami kasi siyang libro. Mayaman kasi siya (ata). Hindi naman sa sinasabi kong mahirap ako. Ang sakin lang kasi, mas gusto kong ginagastos ung pera ko sa masarap na pagkain kesa bumili ng libro. Pero kung madami talaga akong pera, bibili ako. Kumbaga mas priority ko un, kesa sa libro. Pero un lang naman talaga ang pinagkakagastusan ko eh. Anyway, ayun, lagi kaming naghihiraman. Tuwing lunch lagi kaming magkasama, nagkukwentuhan. Hanggang sa naging close kami. Nalaman namin na marami pala kaming similarities sa isa't-isa. Hindi lang sa mga bagay na gusto namin pero pati ung birthday namin. Naalala ko tuloy nung nagtalo kami one time kasi mas matanda ako sa kanya ng 5 hours, hindi ko matanggap na mas matanda ako sa kanya. Palagi din kaming magkasama, gusto niya lagi ako ang partner niya. Kapag may assignment sa Math tapos hindi namin ma-gets, ako lang ung tinuturuan at pinapakopya niya. Gusto niya ako lagi ang katabi niya sa jeep kapag pupunta na kami dun sa public school kapag matuturo na kami sa mga bata. Gusto niya katabi niya ko sa sitting arrangement. Naalala ko tuloy nung recognition namin nung third year. Magkapartner kami ni Guy sa entrance. Hindi un sinasadya, nagkataon lang talaga. Sabi tuloy nung mga teacher, "Hindi talaga mapaghiwalay tong dalawang to". Oo, kahit ung mga teacher nahahalata un. Pati nga ung ibang year level, akala nila kami. To tell you, medyo sikat siya nung high school, matalino kasi un, laging kasali sa mga contests tapos gwapo pa. San ka pa? Iniisip na nga din sana ng mga kaklase namin na kami kung wala lang akong ibang gusto.
Oo, may iba akong crush at alam din naman niya yun. Ang totoo niyan, nung una, isa lang siyang way para mapag-selos ung crush ko. Yung crush ko kasi na yun, crush ako dati, pero hindi ko pa siya gusto. Tapos nung nagkagusto siya sa iba, narealize ko na I feel the same way for him na rin pala. The worst part is ung crush nung crush ko ay ung Ate ng guy friend ko. Tanga lang no? So ayun nga, may crush akong iba, and this guy friend is just a way to make the guy I like jealous. That's why when people ask me if I like my guy friend, I say no. No kahit na kapag kasama ko siya, ang gaan sa feeling, parang I am who I am kapag kasama ko siya. No kahit nagtatampo ako kapag iba ung kasama niya. No kahit NAGSESELOS ako kapag inaasar siya sa iba. Ang gulo talaga nung nararamdaman ko para sa kanya nun. Siguro kasi may iba akong gusto kaya iniisip ko na kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Siguro iniisip ko din na there's no way he would like someone like me, na may iba siyang gusto. At siguro, ayoko lang masira ung friendship na meron kami. It's too perfect to destroy.
Some say, may gusto daw siya sakin. Pero hindi talaga ako naniniwala. Ayokong maniwala unless siya mismo ang magsabi. Ayoko kasi mag-expect, baka mabigo lang ako. Pero hindi ko rin magawang isipin na meron nga kasi ramdam ko naman eh, ang kulang na lang talaga, may magsabi na isa sa amin.
Lumipas ang mahigit kumulang na dalawang taon, ganun ang takbo ng buhay namin. Pilit na itinatago ang nararamdaman sa bawat isa. Natatakot na masira ang magandang samahan. Kung dati, siya ginagamit ko para mapagselos ung crush ko, ngayon, ginagamit ko na ung crush ko para mapagselos siya. Lagi kong tanong, "When will you make a move?" o dapat ba ako ang gumawa ng move?
Dumating ang araw na nanligaw na sakin ung crush ko. Oo, pumayag akong magpaligaw. Bakit hindi? Gusto ko siya, gusto niya rin naman ako. Masyadong close ung section namin nun, kaya ayun, kumalat sa klase. At simula nun, parang iniwasan na ako ni guy friend at madalas na siyang sumasama dun sa girl na sinasabi nilang may gusto daw sa kanya. Suddenly parang nawala lahat nung pinagsamahan namin. Nawala ung dating kami. Yung nasa isip ko nun? "Bakit siya na? Dati ako pa ang nasa pwesto niya. Ako yung lagi mong kasama, ako ung lagi mong katabi, pero bakit ngayon siya na? Ano bang nagawa ko?" Oh yea right, may nanliligaw na nga pala sakin, why would he interfere?
Months after, nawala na rin ung manliligaw ko. At nawala na rin ung dati kong kaibigan. Kaibigan nga ba? O ka-ibigan? Hay. Saan na nga ba napunta ung dati naming samahan? Sino nga ba ang nagkamali? Siya? Ako? O kaming parehas na hindi nasabi ang tunay na nararamdaman sa bawat isa at natakot na baka mabigo lang at masaktan? O siguro I'm just over-thinking things. Baka naman kasi wala talagang something. Nag-iisip lang ako ng kung anu-ano.
Lumipas ang panahon, naka-graduate na kami ng high school. Nasayang ang oras. I waited pero wala na talagang nangyari. Ngayon, parang kabilang na lang ako sa mga taong normal lang niya na kakilala, nothing special. Masyado na lang siyang pre-occupied sa mga friends niya. At kabilang si girl dun. Ewan, baka nga may gusto na rin siya dun eh.
Hanggang sa nitong nakaraang linggo lang, nagulat ako sa isa niyang tweet, "Sometimes, I wonder why we never came to be"
The first thing that came to me was, "Ano to? Tungkol ba samin to?"
HAHAHAHA. O di ba, ang kapal kapal ng mukha ko. I tried to ask him pero sabi niya wala lang naman daw, hindi ko na pinilit, wala na rin naman akong magagawa.
Simula nung araw na yun, iniisip ko, bakit nga ba? Bakit nga bahindi kami ang nag-end up sa isa't-isa? Kaya eto, nagblog ako just to let all my thoughts out. Ayoko ng isipin un. Past na yun eh. Siguro magpapasalamat na lang ako kasi nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya. Bihira lang ang pagpalain ng ganun kasi ang totoo niyan, napaka-choosy niya sa friends. Hehe.
Ayun. Enough drama.
ganyan talga ang buhay.. we just have to accept the fact na we won't always get what we want or what we think is right.
ReplyDeleteWe won't get it if we don't do something to attain it. :))
ReplyDelete